Rhea Basco – Hingang Malalim Lyrics


May sulyap ng liwanag sa pinangarap kong daigdig
May hudyat na tuminag sa panaginip kong langit
Minimithing kislap ng tagumpay
Unti-unting kumikinang ang kulay
Magniningning na rin ang tala
Kung ako ay papalarin sa isang hingang malalim
May sinag din ang pagpapala
Kung ako ay papalarin, ang tugon sa panalangin
Matatanaw ko ang tanglaw, pangarap na bituin
Abutin, hingang malalim
Woah… Woah… Woah… Woah…
(Woah… Woah… Woah… Woah…)
La, la, la, la, hingang malalim
La, la, la, la, hingang malalim
Buhay ang hinintay ng kay tagal
Tiwalang binigay ng Maykapal
Magniningning na rin ang tala
Kung ako ay papalarin sa isang hingang malalim
May sinag din ang pagpapala
Kung ako ay papalarin, ang tugon sa panalangin
Matatanaw ko ang tanglaw, pangarap na bituin
Abutin, hingang malalim
Oh, woah…
Kung ako ay papalarin sa isang hingang malalim
May sinag din ang pagpapala
Kung papalarin, matatanaw ko na ang pangarap na bituin
(Abutin) abutin, hingang malalim
Woah… Woah… Woah… Woah…
(Woah… Woah… Woah… Woah…)
La, la, la, la, hingang malalim
La, la, la, la, hingang malalim